Why We Should Celebrate Valentines Day? an ASWER to the "Shocking Truth About Valentines Day!"
Tanong: Selebrasyon ba ng mga Pagano ang Valentine's Day?
Sagot:
Una sa lahat wala pong masama sa February 14, wala pong problema sa valentines day.
Ang problema po sa mga tumutuligsa sa ating mga katoliko ay ang kanilang pag-intindi.
Nabasa daw nila sa bibliya na bawal ito. Ang tanong, saang talata sa bibliya na ipinagbawal ang valentine's day?
Nagbasa ka nga ng bibliya pero nabasa mo na ba lahat?
Mahilig kasi ang diyablo gumaya ng mga bagay na nauukol sa Panginoon.
"Hindi ito dapat pagtakhan sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan."(2 Corinto 11:14)
Katulad na lamang ng December 25 kung saan nagsicelebrate tayo ng Christmas, pero Ang December 25 din daw ay kapistahan ng Sol Invictus, o kapistahan ng Araw, ayon sa paniniwala ng mga paganong Romano. At diyan daw kinuha ang petsa ng kapanganakan ni Jesus.
Peo bago pa ipinagdiwang ng mga pagano ang Sol Invictus ay kinilala na ng mga Kristiyano ang December 25 bilang birthday ni Jesus.
Ang kapistahan ng Sol Invictus tuwing December 25 bilang opisyal na ritwal ng paganong Roma ay noon lang 275 AD sinimulan ni Emperador Aurelian.
Kung babalikan natin ang mga naunang pahayag ukol sa petsa ng kapanganakan ni Jesus ay makikita natin na noon pang 183 AD (Theophilus) at 220 AD (Hippolytus) ay paniniwala na iyan ng mga Kristiyano.
Pwede pa nating sabihin na ang mga pagano ang nanggaya sa petsa na December 25 at hindi ang mga Kristiyano.
Kung kukuwentahin natin ay 92 taon pa bago sinimulan ang pista ng mga pagano na Sol Invictus ay may nasulat nang nagpapatunay na December 25 isinilang si Kristo.
Mali po talaga at walang batayan ang sinasabi ng iba na ang Pasko tuwing December ay pista ng mga pagano.
So, kagaya ng valentine's day na sinasabi din ng iba na sinicelebrate din ito ng mga pagano ay maliwanag na isa sa na naman itong pakulo ng diyabalo para guluhin ang mga taong nag-iibigan ng totoo.
Ano po ba ang isang bagay na ginagawa ng mga kristiyano na makikita natin sa valentine's day na hindi masama?
Ang mga mag-asawang nag-iibigan at ang mga boyfriend-girlfriend na sumusunod sa gusto ng Diyos ay tumutupad po sa sinasabi ng
Panginoong Jesus.
"Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko."(Juan 13:35)
Ang tanong, ano po ang masama sa valentine's day o february 14 kung ito po ay sinicelebrate ng tama at nagpapakita ng tamang pag-ibig ang tao sa kanyang kapwa tao?
Dahil inggit na inggit po ang diyablo sa ginagawa ng mga taong nag-iibigan dahil nga ang Diyos ay pag-ibig, gusto nya po itong guluhin at para maimpluwensiyahan ang mga taong walang kaalam-alam para mapasama ang valentines day.
Ipinagbabawal ba ng bibliya na bigyan ng halaga ang araw na ito sa paraan na gusto ng Diyos?
Hindi po!
Kung binibigyan natin ng halaga ang Valentine's Day sa paraan na gusto ng Diyos ay wala pong masama dito.
"May nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa ibang mga araw."(Roma 14:5)
Wala pong problema sa Valentine's Day kundi ang problema ay nasa mga taong kulang ang kaalaman at ang mga taong ayaw sumunod sa Diyos, Kung titignan natin sa isang Catholic Enyclopediahttp://www.newadvent.org/
Dinagdagan na lang po ng mga taong hindi nakakaintindi at hindi nagbabasa ng bibliya.
Tandaan po ng mga kapatid na nagsisicelebrate ng valentine's day, wala pong problema sa araw na ito at hindi po masama ang magcelebrate ng valentine's day, may mga ilan lang po sa mga bagay na ginagawa ng iba sa atin at nasanayan na hindi po dapat gawin at paniwalaan.
Una, ang tungkol kay kupido na marami po sa mga kapatid natin ay naniniwala dito.
Valentine's Day would not be complete without Cupid --- (Wrong!)
Magiging Kumpleto Ang Lahat ng Oras Mo Sa Buhay hindi lamang ang Valentine's Day na hindi mo hinihingi ang tulong ni Cupid.
Hindi mo kailangan si Cupid sa Buhay mo para makumpleto mo ang Valentine's Day. Ang Kailangan mo ay ang Salita ng Diyos!
"But if you keep his word, God's love is made complete in you. This is how we know that we are in him:" (1 John 2:5)
We are speaking of Cupid, the God of Love --- (Wrong!)
Hindi si Kupido ang Diyos ng Pag-ibig, ito ay malaking pagkakamali na dapat ituwid!
Nag-iisa lamang ang Diyos ng Pag-ibig at SYA ang Diyos na ipinakikilala ng BIBLIA.
“Those who do not love have not known God, for God is love.” (1 John 4:8)
Sa Kanya Dapat humingi ng IDEAL Man or IDEAL Woman at Hindi kay Cupid...
"House and wealth are inherited from a father but a sensible wife is a gift from GOD."(Proverbs 19:14)
It is said that if Cupid shoots his arrow of love and hits
you, that you will fall helplessly and madly in love with the
next person you meet. --- (Wrong!)
Ito ang Gusto ng Diyos para sa ating lahat...
Matthew 6:33 “Set your heart first on the kingdom and justice of God and all these things will also be given to you.”
SET YOUR HEART FIRST ON THE KINGDOM and JUSTICE of GOD (Ibigay mo muna ang Puso mo sa Diyos bago sa magiging partner mo sa iyong buhay)
Dahil ito ang GUSTO ng DIYOS para sa atin...
"This is the covenant that I will make with them in the days to come - says the Lord - I will put my laws in their hearts and write them on their minds.” (Hebrews 10:16)
Gusto ng Diyos na buksan natin ang ating mga puso para sa Kanyang mga kautosan, upang bago ang mga tao umibig sa kanyang magiging ideal man or woman na ibibigay ng Diyos sa kanya, magiging handa ang mga tao sa mga magiging consequences at malalaman nila kung ano ang tama at mali.
In Roman mythology, Cupid is the son of Venus, the
goddess of love. In greek mythology, he was known as
Eros and was the son of Aphrodite. ---(Wrong!)
Bawal po ng Biblia ito, huwag po natin kikilalaning diyosdiyosan itong si kupido sapagkat mali po ito.
"My dear children, keep yourselves from idols."(1 John 5:21)
Pangalawa, magcelebrate ng valentine's day at ibigay ang tamang kahulogan ng pag-ibig na ayon sa itinuturo ng Bibliya at hindi ayon sa paniniwala ng kautusan ng mga tao.
"Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas."(1 Corinto 13:4-7)
This Is Authored by Bro. Lay Person Scripturist
No comments:
Post a Comment
Thanks for your comment. ill get back to you on that shortly. :D