AdSense

Friday, 16 November 2012

QUESTION OF PRIVILEGE OF SENATOR SOTTO (On the Issue of Alleged Plagiarism)


This is the entire speech of Sen. Vicente Sotto III delivered on the senate as an answer to the alleged PLAGIARISM case that was filed by the RH Bill Advocates to the Ethics Committee. Copied from titosotto website

Senator Sotto.  Thank you, Mr. President. 
          Earlier today, a group of Reproductive Health (RH) advocates from different sectors filed an ethics complaint against this representation and asking me to apologize for plagiarism.  August 13 ba iyong unang turno en contra speech ng inyong lingkod, Mr. President?  Two or three weeks thereafter, iyong second turno en contra, third turno en contra, but they decided to file it now.
          Pero ilang ulit ko na pong nabanggit dati ito, kailangang ulitin ko pa rin sa ngayon.   Mukhang it is falling into deaf ears.   Ganoon po ang tingin ko.
          I will set aside the issue of Section 6 of the Constitution.   Itabi natin iyong isyu ng parliamentary immunity.   Although ang pinag-uusapan nga, sabi nga  nila, at pinag-usapan rin namin ni Senate President kanina, and his advice is, ang Congress kaya may parliamentary immunity sa kahit anong sabihin mo sa Kongreso ay para may elbow room ka dahil we are making laws.   Hindi ka puwedeng i-confine.  Kahit nga libelous o kahit anong sabihin mo rito, we cannot be held liable in any place.   Dahil iyon ang binibigay na elbow room sa legislative.  Iba po iyong pananaw sa academe.   Sa academe kasi iyong pangongopya, bawal, at kung anu-ano iyong bawal.   Pero dito po sa Senado, hindi po iyon.  Ibang usapan po iyon.  Pero huwag na iyon.  Isasantabi na lang natin iyong isyu ng Section 6.
          Doon ko po dadalhin sa isyu ng ibinibintang na plagiarism.   Kasi ang tingin ko po dito, what seems to be a simple case of probable misinformation has turned out to be misinterpretation.   And now, it has become a case of persecution.   Hindi ko po maintindihan iyong nangyayari  sapagkat parang obfuscation nga ang dating sa akin.  Imbes na sagutin iyong 16 na puntos na ni-raise ko noong tatlong turno en contra ko, ang ibinalik sa akin ay plagiarism.
          Ngayon, maliwanag doon sa tatlong turno en contra speeches ko, ilang ulit ko pong sinabi, and the Journal will bear me out, wala po akong sinabi roon na akin iyon.  At maliwanag na kontra pa nga ang ginamit ko.   Lahat ng sinabi ko tungkol sa medico, sa mga agham at sa kung saan-saan, ay hindi galing sa akin.   Ang plagiarism is to steal or pass off the ideas or words of another as one's own without crediting the source. 
          Mr. President, wala po akong inangkin.   As a matter of fact, kabila ng inangkin ang ginawa ko.  Papaano ako mag-a-apologize ng plagiarism, wala akong plinagiarize.   Sinabi ko ngang hindi akin.  Parang pinagpi-plead guilty ako sa murder, ay ang dapat na charge ay physical injuries.  Kung sasabihin lang sa akin na nangopya, mag-apologize ka nangopya.  Aba madali iyon.  Talagang kinopya, eh.  Pero hindi plinagiarize.   Iba iyon.   Maliwanag iyon.  Wala po akong ninakaw.
          I am sure na kopya ng draft ng speech  ko ang unang kumalat sa kanila kasi hindi kumpleto iyon.   Wala doon iyong ibang attribution o wala  rin doon iyong counter attribution or contra attribution na sinasabi ko.  Pero sa Journal ng Senado, nandoon po lahat iyan.   Kumpleto.   The Record of the Senate will speak for me.  Iyon po iyong isyu na sinasabi nila.
          Ngayon may bago pa in the case of the so-called Kennedy speech.  It appears that the Kennedy family has been misinformed to get them to say something about me.  Sapagkat ang pinadala yata na report doon ay yon lang part na tinagalog iyong lift from the inspirational line of Robert Kennedy.  At ang pinaalam nila doon, according doon sa nakausap namin sa foundation nila, ang pinarating doon ay minangle ko.   Hindi po totoo iyon.
          Let me explain the truth.   A Christian leader sent me through a text a reminder. It was a nice reminder used to inspire people. He even said that religious leaders used that as an inspirational line. I did not even know whose it was, except that it came from Derek Ross of the True Love Waits Foundation who espouses chastity and teaches all over the country. He is an American. When he gave me that line, I translated and delivered the message in Filipino because we found it fitting cap to what I was fighting for. 
So, Mr. President, I did not steal it or claim that it was mine. In other words, the worst thing probably that they could say is, that I copied it from a text of a friend. I did not really know where it came from but it was a nice inspirational line. Ang sabi nga nila ay kay Kennedy raw pala iyong linya na iyon.  Hindi ko po alam agad iyon.  Kung sa tingin, pati ng Kennedy family, ay kinopya ko, puwede, sapagkat kinopya ko nga roon sa text iyon.  But copying or imitation is the highest form of flattery.  But if it upsets the Kennedy family, well, then I am sorry. But that is not the intention that we had when we used it. 
Ito po ay isa sa  mga natabunan noong mga oras na iyon at uulitin ko po sa ating mga kababayan. Ipapaalala ko lamang po iyong sinabi ko noong huling speech na pilit nilang tinatabunan ng issue ng plagiarism. Nagugulat ako kasi ito pa namang mga tao ay mga aral pero hindi ko maintindihan kung saan galing, except that I know that lahat pala ay RH advocates.
As a matter of fact, nagtataka  rin ako at tinanong ko si Senate President  kung bakit iyong media advisory nitong mga RH advocate na ito ay nanggaling sa opisina ng Akbayan party-list congressman. Nagtataka ako at gusto kung tanungin ang Senate President. Ano ba ang koneksyon ng congressman at bakit makikialam sa pagfa-file sa Ethics Committee ng Congress sa isang senador?
Ang pinag-aralan ko po ay mababa lamang kumpara sa mga pinag-aralan nila.  Pero ako po ay hindi marunong manira at hindi ako nanghuhusga ng kapwa. Kung ginamit nila sana ang kanilang katalinuhan para sa pagbibigay-linaw tungkol sa RH bill, lalo na iyong 16 arguments ko, aba eh, mas makakatulong pa ito sa mga kababayan natin para maunawaan ito.
Kaya sa mga mahal kong kababayan at saka sa mga kasama natin sa Senado, ako po ay matagal na ninyong kakilala. Alam ninyo ang pinanggalingan ko, kilala ninyo ang pamilya ko, asawa ko, mga anak, mga kapatid, kilala ninyo pong lahat.  Alam po ninyo ang pinagdaanan ko, mga nagawa ko at mga natulungan ko.
Ito pong mga naninira sa akin at nag-iimbento ng mga multo ay hindi natin kilala.  Kaya hindi tayo puwedeng basta maniwala sa kanila. When the right time comes and when I have gathered enough evidence, I will expose the people behind this na nagmamanipula nito. Pati iyong mga kababayan natin  sa academe ay namamanipula nila para magamit nila rito.
Mr. President, they can call me names, they can mock me, they can accuse me of anything under the sun, but I will not change my position and I will always be against the distribution of contraceptives, condoms, IUDs promoting immorality to the young people.  I will always be against abortion.  I will remain steadfast and will stand firm in my position as long as I live.
          Thank you, Mr. President.

          The President Pro Tempore.  Thank you, Majority Leader.